Bagong Rebelasyon sa Protest ni BBM ayon kay Atty. Glenn Chong

Friday, November 16, 20180 comments

Di naipapalabas pero nausad sa mga rebelasyon ayon kay Atty.Glenn Chong Ipinalabas ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan ang preliminary results ng technical examination ng mga pisikal na balota mula sa Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur na bahagi ng ARMM. Isinagawa ang nasabing technical examination sa Comelec mismo dahil sa kanyang protesta laban sa kandidato ng LP na si Mujiv Hataman, malapit na kaibigan ni Noynoy Aquino. In fact, itinalaga si Hataman ni Noynoy Aquino noong 2011 bilang OIC Governor ng ARMM. Ayon kay Tan, umabot sa 70%-80% ang bilang ng mga pisikal na balota na hindi tumugma ang specimen signature at thumbprints ng mga totoong rehistradong botante sa aktuwal na pirma ng mga taong kumuha ng mga balotang ito at bumoto sa araw ng halalan. Ito ang mga multo ng Liberal Party at ni Leni Robredo. TINGNAN ANG LARAWAN NG MGA PATUNAY NA HINDI NGA TUGMA ANG SPECIMEN AT ANG AKTUWAL NA MGA PIRMA. Sa ilalim ng existing jurisprudence ngayon, kapag lumagpas sa 50% ang mga balotang apektado ng anomalya o dayaan at mapatunayan ito, mapapawalangbisa ang resulta ng halalan sa mga apektadong presinto. Ang 2,756 clustered precincts sa buong Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur ay saklaw sa protesta ni BBM laban kay Leni Robredo. Pero hindi ito kasama sa mga bibilanging muli sa revision proceedings dahil ang hiniling ni BBM sa mga presintong ito ay agad ipawalangbisa o i-nullify ang mga nito dahil ibang klaseng dayaan ang ginamit dito – preshaded votes at substitute voting. Kaya hindi na dadaan sa revision proceedings ang 2,756 clustered precincts na ito. Humiling si BBM ng technical examination sa PET noon pang Mayo 2017. Pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon ang PET dito. Pero dahil natapos na ang technical examination na isinagawa ng Comelec sa parehong mga presinto, maaring i-adopt na lamang ng PET ang resulta mula sa Comelec proceedings at hindi na magsasagawa pa ng panibagong technical examination. Malaking panahon ang mabbaawas sa itatagal ng protesta. Ang boto ni Leni Robredo sa mga presintong ito ay 477,985 votes samantalang ang nakuha naman ni BBM ay 169,160 votes lamang. Samakatuwid, lumamang si Robredo ng 308,825 votes sa mga presintong ito. Thanks to the multo! Kaya kung mapawalangbisa ang resulta ng mga presintong ito – wiped out at washed out ng vote surge ng totoong boto ni BBM ang lamang na 308,835 votes ni Robredo sa mga lugar na ito gamit ang mga multo. Kaya sa final tally, wiped out at washed out din ang final presumptive winning margin ni Robredo na 263,473 votes. Kaya lalamang na si BBM ng 45,352 votes.
Share this article :

Post a Comment

Comments here

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. TVDDS - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger